MGA TULA
"KARGADA"
ni Christine Joyce M.
Zalzos
Sino ba ang tunay na
mga bayani?
Na siyang dapat umani
ng papuri
At kahanay ng mga
kawal at guro
Gayundin an gating
mga lola’t lolo
Para sa ibang bayan
sila’y lumaban
Sa bawat lugar at mga
lalawigan
Gayundin ang manggagawang
Pilipino
Sa ibang bansa
nakikihalubilo
Nang gayon mabigyan
ng kaginhawaan
Ibigay sa pamilya ay
kasiyahan
Hirap at sakit, at
pangungulila
Sa patnubay ng
Panginoong Maylikha
Dolyares na padala,
dulot ay saya
Malaking tulong din
sa ekonomiya
Malayo man sa mga
mahal sa buhay
Sila ay mistulang
matibay na tulay
Sa pagsaludo nila sa
ating bayan
Mahalaga sila sa
ating lipunan
Tunay natin bigyan
silang karangalan
At huwag sana’y sila
ay pabayaan.
"PAGKASIRA"
ni Christine Joyce M.
Zalzos
Mundo ko ay naaapi’t
nasisira
Mga halaman ko’y siya
nang nalanta
Paunti – unti na
akong nasisira
Ano ang ginawa niyo
sa inyong Ina?
Ubos na ang aking mga
kayamanan
Kinuha ninyo upang
kayo ay yumaman
Paano naman ang aking
kaligtasan?
Isipin ninyo ang
aking kapakanan
Mga basura doon at
kalat ditto
Mga puno ko ay sinira
ng tao
Pagsunog at pagputol
ng mga ito
Ay para lamang sa
inyong benepisyo
Ilaw niyo ang aking
mga kalikasan
Binibigyan kayo ng
kaligayahan
Ngunit kung sisirain
n’yo ng tuluyan
Mundo ko’y mapupunan
ng kadiliman
Sa’tin dapat simulan
ang pagbabago
Upang ang kalikasan
hindi maglaho
Magtulungan upang ito
ay lumago
Mga pagkakamali ay
iwawasto
"GAMPANIN"
ni Christine Joyce M.
Zalzos
Mangarap ka ng
matayog aking anak
Gawin ang iyong gusto
at mga balak
Inyong ikakasaya ay
iyong gawin
Kaya ikaw ay mangarap
at liparin
Hawakan mo ang bawat
pinapangarap
Gampanin mo ang lahat
sa hinaharap
Mga pangarap na iyong
aabutin
Minsan man ay itinaas
sa bituin
Kailingan mo sikapin
ang pangarap
Gampanin mo ang
ligaya at ang sarap
Gantimpalaan mo ang
iyong sarili
Ang iyong kasiyahan
ay ang pagpili
Mahalin mo ang iyong
pinapangrap
Gampanin mo ito na
iyong mahanap
Ipaglaban ang iyong
paniniwala
Hindi lang dapat ito
mabali wala
Sa mundong ito hindi
lahat mapalad
Gampanin mon a ito ay
iyong ilahad
Minsan ka lang
mangarap sa buhay na’to
Huwag mo hahayaan na
maging bato
"MUTYA"
ni Christine Joyce M.
Zalzos
Ito ang isang tula
para sa’king bayan
Sa bansang sagana sa
natural na yaman
Ang bayan na aking
kinagisnan
Ito’y walang iba kung
‘di ang Pilipinas
Ang mga lupa sa
luntiang bukid
Ating tinataniman
para sa kinabukasan
Mga dagat na asul sa
kulay
Sagana sa pagkain at
mga pangisdaan
Ang aking lupang
sinilangan
Ay isang bulaklak na
nalanta
Ngunit kapag ito’y
minahal at
Prinoprotektahan,
ito’y mamumulaklak
Kalayaan sana’y atin
nang makamtan
Pagkakaisa at
pagtutulungan ang kailangan
Iisa lamang ang
hangarin sa pakikipaglaban
Kaya layo’y tumigil,
at magmahalan
Ang tula ay alay sa
mahal kong bansa
Pagkat ako ay kanyang
inaruga
Itong Pilipinas na
bayan ko’t Ina
Mamahalin ko saan man
akong magpunta
"ALALAY"
ni Christine Joyce M.
Zalzos
“Nagmahal, nasaktan,
kumain ng isaw”
Isang katagang
binabanggit ng isang nagmahal
Ngunit ako’y musmos
pa lamang
Wala pang alam sa tunay
na pag – ibig
Pagkakaibigan ang
aking pinanghahawakan
Ang kaibigan na hindi
kailanman aalis
Sa kahinaan ay laging
sandigan
Kawangis sila sa
bawat problemang kinakaharap
Pagmamahal at suporta
laging umaapaw
Paggabay at pagtulong
laging ipinapadama
Ika’y aakayin patungo
sa paroroonan
Siyang kaibigan
nawalang iwanan
Ngunit malapit na
matapos
Ang bawat yugto ng
ating pagkakaibigan
Tayo ay malapit ng
humakbang
Patungo sa sarili
natin tadhana
Salamat, sa pagiging
aking sandalan
Sandaln na nagturo sa
akin
Ng tunay na
pagmamahal
Hanggang samuli,
walang iwanan.
“Pera Pera Lang”
tula ni Miguel Licaros
Marami ng mga krimen
ang naganap
Mga
pulitikong napapagbintangan
Dahil
pera ng taumbayan ang hanap
Kaya
dapat sila ay maparusahan
Maraming
pulitiko ang natutukso
Pera
ng taumbayan ang gusto
Maraming
Pinoy ang kanilang nauto
Kani
– kanilang mali ay bisto
Taumbayan,
dapat tayo ay mamili
Pulitikong
tapat at hindi tiwali
Gigising
ng maaga, hindi tanghali
Inihalal
upang itama ang mali
Katangian
ng Diyos kanilang taglayin
Upang
kanilang trabaho ay intindihin
Nang
buong puso’t kaluluwa mandin
Upang
ating bansa ay paunlarin
Mga
kababayan tayo ay gumising
Ating
mga boto ay huwag sayangin
Ating
mga binoto ay galaw – galaw din
Upang
ang Pilipinas ay pagyamanin
“Aking
Mithiin”
tula ni Miguel Licaros
Ako
si Miguel, lubos na nangangarap
Ng
buhay na maganda’t napakasarap
Ang
lahat ng ito’y aking makakamtan
Kahit
alam ko ako’y mahihirapan
Todong
pagpupursigi, aking gagawin
Upang
matupad ang lahat ng hangarin
Sa
tulong ng magulang ako’y linangin
Aking
mga pangarap ay pagyabungin
Mga
pangarap kong nais na makamtan
Aking
nais na maisakatuparan
Ako
ay gagawa ng maraming paraan
Upang
ang pangarap ay pagtagumpayan
Sa
tulong ng Maykapal, aking magawa
Aking
pagpuri ay hindi magsasawa
Kanyang
mga magagandang halimbawa
Gagamitin
sa aking pagkakawang – gawa
Lahat
tayo ay nangangarap ng tama
Hangad
natin ay wasto hindi masama
Tayo
ay may nais na mga tuparin
Dapat tayo ay magpursigi at kayanin
“Ibalik Ang Dating Ganda”
tula ni Miguel Licaros
O
aking Inang Mahal na Kalikasan
Ano
ang ginawa naming kabalbalan
Nang
hindi ka naming pinahalagahan
Sa
oras ng pagdating ng kagipitan
Mga delubyo na iyong pinaramdam
Ito
na ang sinasabi mong paramdam
Na
ikinagulat ng taumbayan
Na
talaga naming pinaghahandaan
Ika’y
aalagaan at mamahalin
Nang
buong puso’t kaluluwa mandin
Iyong
yamang likas ay papaunlarin
Upang
ang magandang buhay ay palarin
Ang
bigay ng Maykapal ay alagaan
Sapagkat
ito ay kanyang inilaan
Sa
ating mga taong may kakayahan
Na
ito’y alagaan at protektahan
O
aming Kalikasan aming gagawin
Ang
lahat – lahat upang ika’y suyuin
Aming
ibabalik iyong dating dating
Upang
kami ay iyong bigyan ng galing
“Laro at Buhay”
tula ni Miguel Licaros
Ang larong ito ay napakasikat
Hindi
lang sa ating bansa, maging sa iba
Kapag
ako’y naglalaro, ibang saya ang nadarama
Ano
nga ba ito? Basketbol ang ngalan
Ito’y
aking nilalaro halos araw – araw
Kahit
pinagpapawisan at naiinitan
Pagkasabik
ang aking nadarama
Ang
larong ito’y aking mahal
Kapag
ako’y naglalaro
Ako’y
walang pakielam kung malakas ang kalaban
Ibinubuhos
ko ang aking buong tapang
Upang
matalo ang aking kalaban
Ang
aking buhay ay parang bola
Minsan
nasa itaas, minsan nasa ibaba
Umiikot
ito ng paulit – ulit
Titigil
lamang ito kapag may taong pumigil
Basketbol,
ito ay maraming kahulugan
Tungkol
sa isports at sa buhay
Ginagamit
ito sa tama, hindi sa mali
Dahil
ang larong ito ay pinahahalagahan
“Bayang Magiliw”
tula ni Miguel Licaros
Ang
bayan kong mahal
Pilipinas
ang kanyang ngalan
Ito’y
aking ipinagmamalaki
Nang
buong puso’t kaluluwa
Maraming
mga tanawin
Dito
ay makikita
7,107
na mga kapuluan
Na
talaga namang kahali – halina
Maraming
yamang tubig dito ay makikita
Mga
isda, langis, perlas at iba pa
Maraming
yamang lupa rin ang masisilayan
Bundok,
bulkan na talagang kahanga – hanga
Maraming
mga bayani dito ay ipinanganak
Upang
ang kasarinlan ay makamtan
Lubos
na pasasalamat sa kanila
Dahil tayong lahat ngayon ay malaya
Pilipinas,
Kay gandang pangalan
Kahit
nasakop ng maraming dayuhan
Bumabandera
pa rin ito sa kagalingan
Kaya
ang Pilipinas ay papurihan
“Paglipas ng iyong Puso”
Tugmaang tula ni Micah Duque
O’aking minamahal na Pilipinas
Ang iyong mga mata ay pinipilas
Ang mga luha mong tila pinapamunas
Upang ang mga problema ay malutas
Putok ng baril na walang kasing ingay
Sa dulo ng bansa na puno ng pagpatay
Ito ang pinakamasaklap na buhay
Ang mamatay sa paraan ng pagbitay
Pag-aagawan ng mga teritoryo
Na hindi masolusyunan ng pagboto
Dahil sa mga puso nilang tila bato
Nag-reresulta sa pagbaliktad ng totoo
Ang mga opisyal ng gobyerno na tuso
Puno ng gahaman ang kanilang puso
Ang kanilang tala na puno ng kaso
Ugali na mas masahol pa sa aso
O’ aking mahal na lupang silangan
Sa lahat ng aking pangangailangan
Tulad ng pagkain na iyong naibsan
Ako ay nagtatatalon sa kasiyahan
“Pilipinas ang aking Silangan”
malayang tula ni Micah Duque
Pilipinas ang aking sinilangan
Dito ako lumaki ng may pinag-aralan
Dito natuto kung paano magmahalan
Ng wagas at walang pag-aalinlangan
Pilipinas na puno ng pag-aawayan
Gulo at sigalot sa buong kalupaan
Baril at dugo ang kapalit
Upang kapayapaan ay makamit
Pilipinas ang Perlas ng Silangan
Ito’y punong-puno ng kagandahan
Magagandang likas na yaman
Na umaakit sa mga dayuhan
Ako ay naawa
Sa ating kahabag-habag na bansa
Ang kaniyang mga paa ay pinag-aagawan
Ng mga bansang puno ng gahaman
O’ bansa paano ka pangangalagaan
Pano ka iiiwas sa sigalot at awayan
Ika’y kahabag-habag Pilipinas
Tutulungan ka ng ika’y makaahon ng lubos
“Mahal kong Sarili”
akda ni Micah Duque
Ako ay nag-aalinlangan
Kung ako ba ay bughaw o rosas
Alin ba ang pipiliin?
Maging tanggap ng lipunan o ng sarili
Hindi kami tanggap sa lipunan
Kami ay salot at pinagtatabuyan
Bakit ganito ako? O’ maykapal
Ano ang aking ginawa na ikinagalit mo?
Kailan ba matatangap?
Ang pagkagusto ko sa bughaw at rosas
Hindi naman ito mali
Buhay ano na ba ang nangyayari?
Ako ay nakatago sa ilalim ng lupa\
Ako ay nalulumbay at natatakot
Ako’y umuwi at naghakot
Nang mga kagamitan ko bilang salot
Paalam na mga kapatid
Ako muna ay lalayo pakibatid
Sa aking mga kapamilya
Dahil ako ay malaya na
“Kayamanan”
isang tugmaang tula tungkol sa kalikasan ni Micah
Duque
Sisikat muli ang araw sa umaga
Hudyat ng ating panibagong pag-asa
Dito sa bayan na perlas ng silangan
Iba't-ibang pulo'y may hatid na yaman
Umpisahan na sa batis na malinaw
Bata o matanda ay nagtatampisaw
Tila ba binubuo ng mga ginto
Kakaibang saya ang dinulot nito
Masdan ang mapayapang kapaligiran
Handog niya'y hanging malinis sa katawan
mga ibon dito ay nagsisi awitan
Sa mata'y kay saya at sa kalooban
Perlas ng silanganan aking mahal
Di nagkamaling handog ka ng may kapal
Pagpapanatili ang siyang kailangan
At hindi hahayaang mapagiwanan
Sadyang nakararangal sa mga dayuhan
Kitang kita ang tunay na kagandahan
Mga likas na yamang tila walang humpay
Balik balikan at pupurihing tunay
“Ang Munting
Pakpak”
tugmaang akda ni Micah Duque
Isang pangarap ang gusto kong makamit,
Yung tipong walang pinipiling kapalit,
Sa kislap ng tala ako’y nanalangin,
Na sana’y itong pangarap ko ay dinggin
Mayroon akong isang munti at puting pakpak
Lumilipad ng mataas na tila ibon
Ito ay lumilipad ng malawak
Na mas mataas pa sa kalawakan
Ang aking pinakagustong pangrap ay
Ang mabuhay ng malaya at tiwasay
At magkaroon ng matagal na buhay
Makatulong sa magulang at sa bahay
Ano nga ba ang maaring gawin
Upang makamit ang isang bituin
Isang napala buti na mithiin
Ang makatulong ng lubos sa lipunan
Gagawin ko ang lahat
Makamit lang ang buhay na tapat
Makapagbigay ng serbisyo na walang lamat
Ang mamatay ng matiwasay bilang alamat
"Maliit na boses,
malaking hakbang"
Tula ni Shalom Dela
Cruz
Sa bawat paghakbang ko sa
aking buhay
Kita ko ang mga taong
matagumpay
Biglang sumagi sa isip,
ito na ay
Maging tulad nila, masarap
mamuhay
Gustong tumulong, gustong
kumita
Gusto na mamuhay, puno ng
ligaya
Sabihin sa mundo, pakita sa kanya
Ako’y kagalang-galang,
puno ng diwa
Makita ang pitong idolong
iniibig
‘Yan ang ruruk ng
pinakaminimithi
Maipakita sa mundo aking
hilig
Aking mga pangarap iyan ay
madai
Sana’y maipakita sa buong
daigdig
Sarili’y tinatagong himig
at tinig
Pakita sa kanila, angking
hiling
Maliit na boses, sana ay
marinig
Hindi pa tiyak, hindi pa
sigurado
Pero isa lamang ang
nalalaman ko
Mapasaya ang sarili, iyan
ang gusto
Maginhawa bago lumisan sa
mundo
Tula ni Shalom Dela Cruz
Habang naglalakad at
nagmuni-muni
Bigla na lamang sumagi sa
isip
“Saan nga ba patungo ang
buhay kong ito?”
Labinlimang taon nang
naninirahan sa mundo
Wala pa masyadong
karanasan, madami pa ang kailangan malaman
Aaminin ko
Ngunit dapat isipin, ako’y
bata pa lamang
Mahaba pa ang aking
lalakbayin
Mga mabibigat na
problema’y ‘wag muna isipin
Pero isa lamang ang aking
natitiyak
Gustong mamuhay ng may
kabuluhan
May saysay, at nag-iiwan
ng tatak
Tumira sa mundo ng walang
pagsisisi
Gawin ang bawat minuto,
bawat oras, bawat araw
Nag-iiwan ng masayang
ala-ala
Mga magagandang ala-alang
bubuo sa aking pagkatao
Hanggang sa pagtanda,
ito’y dadalhin ko
Para sa sarili, at para sa
mundo
"Natitirang Pag-asa"
Tula ni Shalom Dela
Cruz
Lumabas ka at tingnan ang
buong mundo
Sabihin sa’kin, ano ang
nakita mo?
Hanging masimoy, malinis
na paligid
O tambak tambak na basura
sa gilid?
Mainit na panahon tuwing
taglamig
Malalakas na ulan tuwing
tag-init
Paglabas ng usok ay rinig
na rinig
Pagkalat ng basura’y hindi
malimit
Nagkukulay abo na ang mga
tubig
Nakakalbo na ang mga
kabundukan
Bakit sinira, sa halip na
ibigin
Tulong, tayo lamang ang
maaasahan
Patuloy na pagsira ng
tanging yaman
Ito’y dahil sa mga taong
gahaman
Sarili ang inisip, hindi
tirahan
Resulta ay pag-awa,
kapahamakan
Kayong mga tao, sana’y
matauhan
Patuloy na pagsira ng
kalikasan
Ito ay ating natatanging
tirahan
Sana’y itatak sa isip at
tandaan
"Ng may buong kagitingan"
Tula ni Shalom Dela
Cruz
Dito sa’king kinatatayuan
Kung saan ako namuhay,
unang sinilangan
Sa aking tanging Inang
Bayan
Luzon, Visayas, Mindanao
Libo-libong mga kapuluan
Natatagong ganda, dapat
matunghayan
Sinakop ng iba’t ibang
bansa
Nahawaan ng maraming
kultura
Mayabong na kasaysayan ay
ang resulta
Mga kapwa Pilipino
Kilala sa pagiging
positibo
Anuman ang mangyari, ngiti
ay puro
At buong kagitingan aking
ipaglalaban at gagawin
Ang kasaysayan at kultura,
ito ay dadalhin
Makikipaglaban para lamang
maipagtanggol
Bayan nating sinilangan
"Hiling"
Tula ni Shalom Dela
Cruz
Sayong pag-uwi, makinig sa
balita
Sabihin sa’kin ano iyong
nakita?
Kasuya-suya ba o
kaganda-ganda
Ako’y sigurado, iyon ay
ang una
Sinasabi ng presidente sa
atin
Kaligtasan ng tao’y
masasalamin
Pwede na sa labas kahit
hatinggabi
Walang anumang lagim ang
lumalagi
Ngunit ngayon ano na ang
nagaganap
Mapulang epekto ay
lumalaganap
Lahat ng tao’y kaligtasan
ang hanap
Namuhay ng payapa, tanging
pangarap
Kasuklam-suklam na
pangyayari
Bata o matanda, walang pinipili
Mga karumal-dumal na
pangyayari
Masamang mga imahe’y
sumasagi
Tanging hiling, problema’y
maresolbahan
Mga patayan, at gyera’y
itigil na
Ibalik ang dating
Pilipinas, dating bayan
Sana’y pagbabago, agad na
makita
tula ni Nishel Dulalia
Bansang nababalutan ng kaharasan
Rape at droga ilan sa di malutasan
O, aming gobyerno bigyang lutas ito
Nang ang aming bukas ay di maging biro
Respeto't paggalang sa nakakarami
Nanatili pa ba sating sarili?
Siguro nga ganto tayo'y pinalaki
Ngunit alamin niyo ang tama sa mali
Dalagang kay ikli ng kasuotan
Siya ba ay ligtas pa sating lipunan
Oh, dalaga huwag kang magpapagabi
Peligro sa'yong buhay ay nawawari
Kayong mga kabataan ay magingat
Nang mga buhay nyo'y di mabigyang
lamat
Yang mga pulis na kay iignorante
Mga taong dapat kinitil sa korte
Demokrasya na siyang haligi ng bayan
Layunin ng gobyerno panatiliin
Na protektahan ang mga mamamayan
Ang hustisya kailangan nang patuparin
"Pilipinas Bayan Ko"
tula ni Nishel Dulalia
Isang bansang sinalangan
Punong puno ng kayamanan
Asul, pula, puti at dilaw
Ang bandilang winawagaygay
Sa dakong silangan
Kapuluan ay matatanaw
Yaong kanyang mamamayan
Pilipino ang lahing ngalan
Kung tingnan sila'y mahina
Ngunit sila ay subukan
Kailanman di magpapatalo
Sa anumang pagsubok
Kayumangging kulay
Kanilang ipinagmamalaki
Lahing katangi-tangi
Naghahasik sa buong daigdig
Sakupin man ng dayuhan
Di susuko kailanman
Bandila at estadong matatag
Pilipinas ang syang ngalan
"Ang Bituin Sa Karimlan"
tula ni Nishel Dulalia
Ilang taon narin tayo naghihirap
Tayo'y nag-aaral at nagsusumikap
Iyon ay ang mga pangunahing sangkap
Upang maabot ang mumunting pangarap
Doktor, Abogado, Sundalo at Guro
Ilan lang sa mithiin ng mga tao
Sila'y tinuturing na bagong bayani
Hatid ala'y kapwa baya'y nagbubunyi
Sa ngayo'y mas mahalaga ang numero
Ang nais ay pumasa kaysa matuto
Ito ba tinatawag na edukasyon?
Pano na ang susunod na henerasyon?
O, pangarap paano ka makakamtan
Kung ganito ang sistema ng paaralan
Mithiin nating kasingtaas ng bituin
Na tila ba ay mahirap ng abutin
Huwag susuko sa'yong pangarap
Pagkat matutumbasan lahat ng hirap
Gamit ang tulong ng bagong kaalaman
Kabataan maging pag-asa ng bayan
"Masdan Ating Ina"
tula ni Nishel Dulalia
Mga asul at berdeng kapaligiran
Napagkukunan natin ng kayamanan
Tanawin na punong-puno ng buhay
Ngayon ay patay na at wala ng kulay
Mangingisda gumagamit dynamita
Mga puno na nabuwal at nalanta
Ang ilog na kasingkulay na ng uling
Dati hanging sariwa ngayo'y marusing
O, mahal naming ina ng kalikasan
Noon kay linis at ganda mo tingnan
Ngunit ngayo'y tuluyan ng napabayaan
Tayong bantay bakit natin hinayaan?
Aking ina sana kami'y mapatawad
makapiling ka muli ay aming hangad
Di man nangangakong di aabushin
Ngunit sisikapin parin ang tungkulin
Pangangalaga sa ating kalikasan
Wagas na pagmamahal tanging kailangan
Kaya ikaw kumilos na at umaksyon!
Bago pa mahuli ang ating desisyon
"Ligaya"
tula ni Nishel Dulalia
Ako'y isinilang noong Agosto
Isang babae na pinanganak sa Tondo
Paborito 'kong hayop ay aso
Aking Zodiac sign ay Virgo
Babaeng humihikbi sa likod ng mga
ngiti
Pagbabasa patuloy mo upang kwento'y
matukoy
Magulang madalas di magkaintindihan
Kaya nauwi sa hiwalayan
Bilang magulang di man sila nagkulang
Aming pag-aaral ay kanilang isinulong
Tanging hangad pangarap namin makamit
Upang aming buhay di magsabit-sabit
Ngunit isang lalaki ang dumating
Binago ang aking paningin
Sakin siya'y nagsilbing kulay
At ilaw sa madilim 'kong buhay
Ako'y isang hamak na dalaga
Ang paboritong prinsesa ngalan ay
Belle
At ako'y magpapakilala na
Ang pangalan ko ay Nishel
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahinBenipisyo
TumugonBurahin