MGA SANAYSAY
"Kwaderno" Sanaysay ni Shalom Dela Cruz Libo-libong mga estudyante ang pumapasok sa kani-kanilang paaralan araw-araw. Bagama’t tingnan muna natin at suriin ang totoong kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas. Sa buhay ngayon, para ikaw ay makakuha ng malaking sweldo, kailangan mo ng maganda at estableng trabaho. Para magkaroon ng magandang trabaho, kailangan mo munang magtapos ng edukasyon. Sa madaling salita, kailangan ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa magandang kinabukasan. Ngunit dito sa Pilipinas, kahit na ang kalidad ng edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng gobyerno, minsan ay hindi ito napagututuonan ng pansin. Ilan sa mga dahilan ng pagbaba ng edukasyon dito sa Pilipinas ay mababang sahod ng mga guro, kakulangan sa mga pasilidad ng mga paaralan. Matagal na itong problema ng Pilipinas, at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamo ang pinakaepektibo at pinakamagandang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Dapat ay mabigyan