MGA MAIKLING KWENTO

   "SA LIKOD NG ASILO"
Ni Nishel Gayle Dulalia


Sa isang tahanan sa Maynila. Ang mag-asawang Paul at Amanda Torres ay matagal nang nagsasama ngunit hindi pinalad na magkaroon ng anak. Sila’y nagkakilala sa kanilang pinagtatrabahuhan na Insurance company sa Buendia. Noong sila’y nagpakasal nalaman nila na hindi sila pwede magkaroon ng anak dahil kay Paul, kaya napag desisyunan nila na umampon ng isang batang babae sa “Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc.” at itinuring nila itong parang tunay na anak. Pinalaki sa magandang asal at naging napakabait na bata. Pinangalanan nila itong Ariane.

Ako si Ariane, bata pa lamang ako lumaki na ko sa kamay ng mga madre hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang pero hindi naman pinaramdam nina mama at papa na ako ay isa lamang ampon nila. Lumaki at nagdalaga ako. Sa aking eskwelahan nagkaroon ako ng isang matalik na kaibgan na si Nathalie na siyang hanga sa’king katalinuhan.

Isang araw sa aking paaralan habang ako ay papasok sa aking silid-aralan, binato ako ng isang lalaki ng gusot na papel at sabay sigaw "bawal ampon dito". Siya ay si Ethan isang anak-mayaman, kaya may kayabangan at kagaspangan ng ugali. Halos araw-araw, walang ginawa si Ethan kung hindi tuksuhin at inisin ako pero sa halip na magalit ako hindi ko nalang pinapansin. Hanggang sa kami ang naging magkatambal sa aming proyekto. Nang lumaon, nagsawa din si Ethan sa pangbubuska sa akin at unti-unti humihingi ng pasensya sa kaniyang nagawa. Hindi nag tagal ang dati niyang masasakit na salita ay nauwi sa matatamis na sinta. Nagbago si Ethan, naging magalang at maginoo.

Makalipas ang tatlong buwan na panunuyo sakin ni Ethan, pinaalam ko na sa’king mga magulang. Hindi sila nagalit ngunit hindi din sila pumayag na sagutin ko ito hiniling lang nila na magtapos muna ako ng pag-aaral dahil may tamang panahon para dito. Naunawan naman ni Ethan ito at sinabing "Kung tayo talaga para sa isa't isa..” at idinugtong ko “gagawa ng paraan ang tadhana.”

Nang matapos na ang kanilang pag-aaral sa ikatlong taon ng kolehiyo. Dumating ang bakasyon at dito nagsimula ang problema ni Ariane sa kaniyang pamilya.

Habang ako ay naglilinis ng aming bahay nakita ko sa isang dibuhista ang sulat na galing sa aking pinanggalingan na bahay ampunan na sinasabi:


x

       Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc
       Jose Quezon City, Manila
       Abril 3, 1995

      Ginang at Ginoong Torres,

                   Magandang umaga! Nais ko lang ipaalam na may isang babae ang naghahanap sa batang inampon niyo noon. Maaring siya ang tunay na magulang ng bata. Huwag kayo mabahala dahil kayo ay may karapatan sa bata ayon sa ating batas. Kung sakaling pumayag kayo makipagkita sa tunay na ina ni Ariane tumawag lamang kayo sa aming telepono
                   ( 044-8979 ).

        Lubos na gumagalang,
                               HACCF INC.




Hindi ko alam ang aking mararamdaman kung tuwa o galit ba sa aking nalaman na balita. Tuwa na makikilala ko na ang tunay kong magulang? O galit na hindi man lang pinaalam sakin ni mama at papa ang liham na ito? At galit na pagkatapos nila kong iwan ng aking tunay ‘kong mga magulang bigla-bigla nalang silang babalik?. Ang dami ‘kong gusto itanong ngunit kailangan ko munang magpanggap na wala akong nabasa. Hihintayin ko nalang na ipaalam sa akin ito ni mama’t papa.

Kinabukasan, habang kami ay kumakain ng hapunan biglang nagsalita si papa ng "Anak, may gusto sana kaming sabihin ng mama mo." pagkasabi ni papa no’n bigla nalang ako naiyak dahil alam ko na ang sasabihin ni papa. Tama nga ako tungkol sa liham na ipinadala ng Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc. ang sinabi sakin ni papa at mama. Natatakot si mama at papa at baka raw sumama ako sa tunay ‘kong magulang pag ako ay kinuha nito. Pagkatapos nila ‘kong alagaan at ituring na parang tunay na anak mas gugustuhin ‘kong manatili sa panig ng mga umampon sakin. At tsaka kapag sumama ako sa tunay ‘kong mga magulang magkakahiwalay din kami ni Ethan. Gusto ko lang makilala ang totoo kong mga magulang at madami din ako gusto itanong.

Sa Home for the Angels Child Caring Foundation kami nagtagpo ng aking mga tunay na magulang. Ang pangalan ng aking ina ay Nelie sa kasamaang balita wala doon ang aking tatay dahil nagbubuntis palang ang aking ina iniwan na kami ng aking tunay na tatay kaya ako dinala ni Nelie sa bahay ampunan. Ngayon, ang aking tunay na ina ay may iba ng pamilya at nakatira na siya sa Italiya. Maginhawa na ang buhay ng aking ina kaya niya ako binalikan. Wala naman balak si Nelie na agawin ako sa mga umampon sa akin sapagkat nag pasalamat pa ito sa pagpapalaki sakin ng maayos. Hahayaan ako mamuhay kasama sila mama’t papa ni Nelie sa isang kondisyon na manirahan muna ko sa Italiya ng isang taon, subukan ko lang kung magugustuhan ko doon. Pumayag naman sila mama at papa dahil sila ay maunawain na magulang.

Kinabukasan, agad agad inayos ang aking pasaporte at makalipas ang isang linggo ay agad na ‘kong pumunta sa Italiya kung saan kasama ko si Nelie. Bilin sakin ni mama at papa na huwag ko sila kakalimutan at lagi ko raw silang babalitaan.


Italiya, Marso 1997

Nakilala ko ang aking mga kapatid sa labas sila'y isang kambal na ang pangalan ay Frankie at Danica. At ang naging asawa ni Nelie na si Frederico. Sila ay naging mabait sa akin at pinakisamahan nila ko ng mabuti. Simula ng lumipat ako dito sa Italiya wala na ‘kong naging balita kay Ethan di ko nadin siya nakausap dahil sa panahon namin noon di pa uso ang cell phone. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa amin ni Ethan dahil kahit pagalam na pupunta nako sa Italiya ay hindi ko nagawa. Dahil maninirahan ako dito ng isang taon pinasok ako ni Nelie sa isang magandang unibersidad na “University of Turin” at nahirapan man ako magkaroon ng kaibigan dahil sa pag kakaiba namin ng lengguwahe, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo.


Marso 2, 1998

Ito na ang pinakahihintay ko na araw dahil uuwi nako sa Pilipinas makikita ko na muli si mama at papa. At sana si Ethan din. Nagpaalam nako kay Nelie at nagpasalamat gayun din kay Frankie, Danica at Frederico. Pagkauwi ko ng Pilipinas masayang sinalubong ako ni mama at papa. At doon ko din nabalitaan na lumipat nadin ng bahay sila Ethan. Nakakalungkot man ngunit nasanay na rin ako dahil isang taon din kami nagkahiwalay at hindi nagkakausap. Namuhay ako ng normal sa Italiya at dahil doon narin ako nagtapos ng pag-aaral pagkauwi ko dito sa Pinas ay agad ako nakakuha ng trabaho dahil sa magandang paaralan ako nakapagtapos.

Insurance company sa Buendia ang pangalan ng pinagtatrabahuhan ko at nagkataon din na doon nagtratrabaho si Ethan! Nang kami ay nagkita kami ay naiyak sa tuwa at napayakap nalang sa isa't isa sabay bulong sakin ni Ethan "Ang tagal kitang hinintay.” Grabe ang tuwa na nadarama ko ng araw na iyon. Ito na ata ang pinakamasaya ‘kong araw. Di rin nag tagal kami ay nasa tamang edad na at napagisipan na naming magpakasal.


Disyembre 28, 2005


Isang buwan nalang ay magpapakasal na kami ni Ethan kaya ipinaalam ko na ito sa'king tunay na magulang, pinadalan ko sila ng imbitasyon tungkol sa aming  magaganap na kasal. Madaming preparasyon ang aming inihanda para sa pinakahihintay ko na araw. Pulang-pula na mga rosas, puting terno at barong para kay ethan. Dumating ang susunod na buwan. Dalwang linggo bago kami ikasal ay umuwi na si Nelie at ang kanyang pamilya. Linggo non ng nagkita ang aking pamilya at pamilya ni Ethan. Sadyang  mapagbiro nga ang tadhana, bulong ko sa'king sarili dahil sa hindi inaasahang pagkakataon madaming sikreto ang nabunyag noong araw na iyon. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil pakiramdam ko galit sa akin ang Diyos at ako'y pinaparusahan. Si Ethan na aking pinakamamahal na lalaki ay isa ding ampon katulad ko. At sa pagkikita ni Nelie at nang nanay ni Ethan isang sikreto na naman ang nabunyag na si Ethan pala ay isa 'kong nawawalang kapatid. Hindi pala ako ang hinahanap noon ni Nelie sa bahay ampunan ngunit si Ethan ang kanyang nais makita. Naudlot ang aming kasal sa di inaasahang rason. Hindi ko matanggap na ako ay umibig sa aking kapatid kaya makalipas ang ilang taon na isipan ko maging madre at mag-alaga ng mga batang iniwan na ng mga magulang.

“Hatchi”
Christine Joyce M. Zalzos

          Sa isang malawak na lugar sa lalawigan ng Bulacan. May isang babaeng magsisimulang abutin ang kanyang sa pamamagitan ng pagsisimula sa kanyang mga kinakatakutan. Siya ay si Anna. Si Anna ay nakatira sa Silangang bahagi ng Bulacan. Siya ay labing – anim na taong gulang at isang mag-aaral. Tanging dingin niya lamang ang makapagpasaya ng ibang tao.
          Papunta si Anna sa kanyang eskwelahan sa Kanlurang bahagi nang makita niya ang isang bahay na magara. Sa likod ng bakod na kanyang kinatatayuan ay doon nakatira si Aling Bela. Si Aling Bela ay isang biyudang babae na kung saan kakamatay lang ng kanyang asawa noong nakaraang taon. Sa tuwing papasok si Anna sa kanyang eskwelahan ay lagi siyang napapadaan sa bahay ni Aling Bela. Labis ang pagkatakot ni Anna dahil kapag siya ay dumadaan lagi ito tinatahulan ng aso ni Aling Bela na si Hatchi. Noong isang araw, nakita ni Anna si Aling Bela na nagtatahi ng damit habang kasama niya ang kanyang aso. Dumaan si Anna na may takot sa kanyang mga mata.” Ale, yung aso niyo po” sabi ni Anna habang ito’y natatakot. “Huwag kang matakot anak, hindi siya nangangagat. Masyado lang niya akong prinoprotektahan. Si Hatchi nalang ang aking buhay, siya nalang ang nag- aalaga sakin. Matanda na rin ako malapit na akong mawala. Hiling ko lang sana na may mag- aalaga sa kanya katulad ng pagaalaga niya sakin.” ani ni Aling Bela. Muling tumakbo ng mabilis si Anna dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Nagsimula ang pagkatakot ni Anna noong pauwi na siya galing sa kanyang eskwelahan noong nakasakay siya sa isang bisikleta habang padaan sa bahay ni Aling Bela.Ikinagulat niya na bigla siyang hinabol ng aso ni Aling Bela hanggang ito ay sumemplang. Kaya naman labis ang kanyang pagkatakot sa tuwing dumadaan siya sa bahay ni Aling Bela. Nang pauwi na si Anna galing sa eskwelahan, sa di kalayuang lugar, nakita niya nakahiga si Aling Bela habang dala-dala siya ng mga tao papuntang ospital. Napansin niyang nakasunod si Hatchi habang si Aling Bela ay dala - dala. Simula sa araw na iyon nagkaroon ng kalungkutan sa mukha ni Hatchi dahil inatake sa puso ang kanyang amo. Kaya labis na kinalungkot ni Hatchi ang pangayyaring iyon. Sa tuwing dumadaan si Anna sa bahay ni Aling Bela nakikita niya si Hatchi na naghihintay sa kanyang amo.”Pasensya na, baka hindi mo makikita muli ang iyong amo”. Lumipas ang ilang araw, lagi paring nakikita ni Anna si Hatchi na naghihintay parin. Napansin din niya hindi na ito kumakain kaya naman kahit takot siya ay inaabutan niya ito ng pagkain sa tuwing siya ay dumadaan. “ Ilalagay ko nalang ditto Hatchi, sana kainin mo ito.” sabi ni Anna habang nakikita parin sa kanya ang pagkatakot. Dahil sa labis na pagbibigay ni Anna ng pagkain kay Hatchi ay paunti-unting niya na ito napapaamo. Ang kanyang mga takot ay muling napalitan ng pagtitiwala. Ang pagmamahal niya kay Hatchi ang nagbigay kay Hatchi ng pag-asa para ito ay mabuhay kahit na namatay na ang kanyang amo. Habang naglalakad pauwi si Anna naramdaman niyang sumusunod sa kanyang likuran si Hatchi. “ Haha, tara dito Hatchi! “ ani ni Anna habang may ngiti sa kanyang mukha. Inuwi ito ni Anna sa kanyang bahay. Ito ay kanyang pinapaliguan, pinapakain at ito ay binigyan niya ng kulyar na nagtatanda na siya ay si Hatchi. Sa bawat pagtakbo ni Anna papuntang eskwelahan, sa bawat hakbang paakyat ng hagdanan, maging sa pagsakay sa sasakyan lagi niya kasama si Hatchi. “ Aalis na ako, hintayin mo ako dyan Hatchi!” sabi ni Anna habang kumakaway papalayo sa kanya. Makalipas ang mga ilang oras pauwi na si Anna nakita niya si Hatchi na nasa estasyon na kung saan doon niyang huling nakita. Kumaway si Anna na may kasamang ngiti. Paulit – ulit nila itong ginagawa habang ito ay maging kanilang karaniwang gawain. Lagi si Anna prinoprotektahan ni Hatchi na minsang hating gabi na ay sa sobrang lakas nga pagkakatahol niya nagising si Anna ayun pala malapit na masusog ang kanilang bahay. “ Salamat Hatchi, niligtas moa ng ating bahay”. Makalipas ang mahabang panahon napapansin na ni Anna na nawawalan na ng sigla si Hatchi. “ Mamaya saaking pag – uwi dadalan kita ng maraming pagkain”.Nang siya ay pauwi na galing sa eskwelahan, dala-dala niya ang mga pagkain para kay Hatchi ay napansin niya wala ito sa kanilang tagpuan. Nakita niya ang nagtitipong mga tao sa estasyon kaya agad niyang nilapitan. Laking gulat niya nang makita niyang nakahalandusay sa sahig si Hatchi. “ Hatchi! Hatchi! TULONG!” ani ni Anna habang umiiyak. Binitbit ni Anna si Hatchi at nanghingi ng tulong. Tumatakbo siya patungo sa malapit na gamutan ng hayop ngunit sa panahon na iyon sarado ang pagamutan na kanyang pinuntahan kaya wala na nagawa si Anna kung hindi umiyak. “Tao po! Tulungan niyo po ako. Jusko po” ani  niya habang binubulabog ang pintuan ng pagamutan. Luhaan at pasakit ang kanyang nadarama nang makita niya malapit na mawalan ng hininga si Hatchi. Sa mga oras na iyon bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala niya sa kanyang pinakamamahal na alaga. “ Sandali lang, wag ka munang sumuko” sabay pag – iyak ni Anna habang kayakap ang kanyang alaga. “Huwag mo akong iwan, ikaw ang aking lakas kaya ninanais kong gumising araw-araw. Sandali lang ating pagsasama ngunit ba ganito ang sakit ng aking nadarama. Binalot mo ng kasiglahan at pagtitiwala ang buhay kong punong puno ng pagkatakot. Mahal na mahal kita, paalam na aking pinakamamahal”
Makalipas ang mahabang panahon, muling natupad ni Anna ang kanyang mga pangarap. Naging isa siyang “veterinarian” na tumutulong sa mga hayop na gumaling. Kanyang napagtanto na ang mga bagay na kanyang kinakatakutan ang magbibigay lakas sa kanya para lumaban. Binuksan niya ang kanyang klinika upang maging inspirasyon sa mga nakakarami na dapat pangahalagahan at pagyamanin natin an gating mga mahal. Walang takot ang magpapabagsak satin, ngutin dapat nating gawin itong inspirasyon upang makamit ang tagumpay.

3am
Maikling kwento ni Shalom Dela Cruz


            “Hello sir welcome to TATA Cafe! What can I get you?” Masiglang bati ng barista sa kauna-unahan niyang costumer ngayon. Hindi niya alam kung bakit niya tinanggap ang offer ng kanyang boss na magtrabaho ng ganitong oras. Pero naisip niya ulit ang malaking sweldo na makukuha niya.

            “One large black coffee.” Sabi ng lalaki sa kaniya.       Magkaedaran lamang ang lalaki at ang babaeng barista, parehas din silang nag-aaral sa kolehiyo.

            Unang araw pa lamang ng babae sa kaniyang trabaho. Noong una ay natatakot pa siya, dahil ang kanyang shift ay nagsisimula ng alas-tres ng madaling araw hanggang alas-siyete ng umaga. Ang oras naman ng kaniyang pasok ay tanghali kaya naman madami pa siyang oras para maghanda.     

            Lumipas ang kanyang shift. Kaunti lang ang mga bumibili sa cafe dahil medyo maaga pa at wala pang gaanong tao ang dumadaan sa kanilang cafe. Hindi niya alam kung bakit pero ang lalaki lamang na nag-order ng black coffee ang nanatili hanggang sa dulo ng kanyang shift, at umalis ito nang nakita ang babaeng naghahanda na para umalis sa cafe dahil may papalit na sa kaniya.


            Sa mga sumunod na araw, puro lamang ang lalaking iyon ang kaniyang costumer. Oo, meron din namang iba na bumibili pero siya nalang lagi ang bumibili. At ipinagtataka rin niya rin kung bakit lagi nalang black coffee ang inoorder niya? Unti-unti nang nagiging interesado ang babae sa lalaki.


            “Black coffee please. And your number.” Sabi ng lalaki sa barista.

            “Okay sir black coffee coming through—  A-ano sir?” Nabigla ang babae sa sinabi ng lalaki. Tama ba ang pagkakarinig niya?

            “I said, one black coffee AND your number as well, Ms. Amanda.” Sagot ng lalaki sa babae, na halatang nagulat sa sinabi niya.

            “Uh… Paano niyo nalaman ang pangalan ko? At hindi ko pa nga alam ang pangalan mo!’, sagot ng babae na may halong inis at pagkagulat. Ngayon lang silang dalawa nagkausap ng ganito.

            “Ako si Jaden,” sabi ng lalaki sabay turo sa name tag ni Amanda. “And… about my order?”


            Walang tao sa cafe kundi silang dalawa lang. Kinulit ng kinulit ni Jaden si Amanda na ibigay ang kaniyang number, at sa huli’y ibinigay niya rin ito. Hindi alam ni Amanda, pero gumagaan ang kaniyang loob kay Jaden. Para bang nag-kakilala na sila dati.

            “Ngayon at nakuha mo na ang number ko, can I ask you a few questions?”, tanong ni Amanda kay Jaden, na hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos ang kanyang kape. Tumango siya.
            “Uhm… Bakit black coffee lagi ino-order mo? And why in this cafe? Meron namang ibang cafes diyan ah.” Tanong ni Amanda kay Jaden.


            “Bakit ba? Gusto ko na dito ako bumibili eh. Besides, it’s more convenient. Malapit lang ang tirahan ko dito. And for black coffee… its a long story.” Sabi ni Jaden ng nakangiti kay Amanda.

            “Long story?! Edi sabihin mo na ‘sakin!” Sabi ni Amanda.

            “Soon. Alis na ko ah, I already have your number na. At tapos na yung shift mo oh.” Sabi ni Jaden nang nakaturo sa orasan na nakasabit sa cafe at umalis na.

            “Jaden…” Pamilyar talaga kay Amanda ang pangalan niya.


—————

            “I need you baby and if it’s quite alright. I need you baby, and if it’s quite alright. And let me love you baby, let me love you.”

            “…Amanda?”

            “Hay butiking palaka ka!” Biglang napatigil si Amanda sa pagkanta. Tinakpan niya ang kanyang mukha dahil sa hiya, “Bakit ka nandito ha?!”

            “Para bumili ng kape… para na rin makita ka. Hindi ko akalain na natatandaan mo pa yang kantang yan ah.” Sabi ni Jaden sabay upo sa lagi niyang pwesto sa cafe.

            “Okay… Natatandaan? Huh? Hindi kita gets. Favorite ko kaya ‘tong kantang to.” Tugon ni Amanda, habang hinahanda ang kape ni Jaden.

            “Ah basta. Gusto mo na bang marinig kung bakit black coffee nalang iniinom ko araw-araw?”




            Isang maaliwalas at magandang araw noon sa For A Good Cause Hospital nang nagkakilala ang dalawang bata. Hindi halata sa kanilang mga mukha ang iniindang sakit. Sa awa ng Diyos, matapos ang mahabang paghihirap at medikasyon na pinagdaanan ng dalawa, sila’y malapit nang maging magaling.

            “Kapag ako nakalabas na dito… Titikman ko lahat ng pagkain sa mundo! At yung uhm… uh.. ano yung iniinom ni nanay kanina?” Sabi ng batang lalaki sa batang babaeng kinakausap niya habang sila’y nasa hardin ng hospital. Pinayagan sila ng kanilang doctor na maglaro ngayon sa labas, dahil lagi na lamang sila sa loob ng hospital naglalaro. Tutal, malapit naman na silang gumaling

            “Ahh… Black coffee ata yun!” Sagot naman ng batang babae sa kanya nang hindi sigurado.

            “Oo! Yun nga! Ikaw? Anong gusto mong gawin pag nakalabas ka na dito?” Tanong ng lalaki sa kaniya.


            “Katulad din nung iyo. Tsaka, gusto ko rin mag-aral. Pwede siguro ako maging doctor? Or nurse?” Sabi ng batang babae na halatang sabik na sabik.


            Patuloy na nag-usap ang batang babae at lalaki. Naglaro sila hanggang pwede, at mas napalapit sila sa isa’t-isa. Ngunit dumating ang araw na kailangan ng batang lalaki na lumipat ng ospital. Hindi nila inakala na lalala pala ang kondisyon niya. Kailangan niya ng mas mabisang gamutan at operasyon, na mas maibibigay ng ibang ospital .At yun ay nangangahulugan pa ng isang bagay…

            Hindi naiwasan na umiyak ng umiyak ang batang babae sa pag-alis ng lalaki ng walang pasabi, dahil madalian ang naging paglipat niya at hindi na sila nakapagpaalam sa isa’t-isa ng maayos.


            Lumipas ang mga taon at tuluyan silang gumaling mula sa kanilang sakit. Paminsan minsa’y naiisip nila ang isa’t-isa, at patuloy na nanghihinayang sa kanilang pagiging kaibigan na naudlot. Pero hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin sila na sila’y nagkakilala at nagkasama, lalo na’t parehas sila ng pinagdaanan, kaya naman alam nila na ang mga pagkakataon na sila ay magkasama ay nakatago sa kanilang mga puso.


           

            “I-ikaw si Mark?! Yung nakilala ko sa ospital?!” Gulat na gulat si Amanda sa kwento ni Jaden kung bakit black coffee nalang lagi ang ino-order niya. Hindi niya akalain na ang kanyang childhood friend pala ang bumibili na lamang sa cafe na pinagtatrabahuhan niya. Kaya naman pala sobrang pamilyar sa kaniya si Jaden.

           
            “Ako nga. Alam kong kilala mo ko bilang Mark, pero Jaden na kasi yung pangalan na ginagamit ko ngayon.” Sagot ni Jaden kay Amanda nang nakangiti.

            “The whole time… alam mo na ako si Amanda? Kaya ka ba laging pumupunta dito sa cafe? Teka, pa’no mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?” Tanong ni Amanda.

            “Oo. Para na rin sa kape syempre. Nagkasalubong si nanay tsaka ang nanay mo last month. Nagkausap sila ulit. Sakto at nasabi sa’kin ni nanay kung saan ka nagtatrabaho, kaya naman binibisita kita lagi.” Tugon ni Jaden. “At tsaka— Bakit ka umiiyak?!”

            Bigla na lamang humagulgol si Amanda at sinabi, “Halos umiyak ako ng isang ilog nang dahil sayo noon, hindi ka man lang nagpaalam! Nag-alala ako ng sobra, halos araw-araw din kitang iniisip.”

            Lumapit si Jaden kay Amanda at niyakap niya ito ng mahigpit. “Huwag ka nang umiyak, nandito naman na ‘ko eh. Tsaka, hindi na kita iiwan katulad noon, pangako ‘yan.”




            At noong sandaling iyon ay para bang napaka-kalmado ng mundo. Para bang lahat ng problema, sakit, at pagkalumbay ay nawala. Nanatili lang sila sa ganoong pwesto, yakap yakap ang isa’t-isa. Hindi sila nag-uusap sa sandaling iyon, pero tila naging isa ang kanilang puso. Hindi naging maganda ang kanilang karanasan noong una, dahil sila ay nawalay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan nila ang bawat isa sa kanilang piling.


Si Raul at Ang Kampeonato
 Ni Miguel Licaros
                        Isang araw, sa isang bayan, mayroong isang simpleng binatilyo na may natatanging bilis. Siya ay si Raul. Kilala si Raul sa kanilang bayan dahil siya ang kampeon taon – taon sa paligsahan sa pagtakbo. Siya rin ay masipag dahil siya’y nagtratrabaho sa isang pagawaan ng sapatos. Ang kanyang kinikita sa pagtratrabaho ay agad niyang binibigay sa kanyang mga magulang na sina Tatay Pedro at Nanay Magloire.
                        Isang hapon, may isang dayuhan na dumating na nagngangalang Usain. Si Usain ay kilala sa ibang bansa sa larangan ng pagtakbo. Siya ay isang hambog na manlalaro dahil siya ay punong – puno ng kayabangan sa kanyang katawan. Tuwing siya ay lumalaban, lahat ng kanyang mga katunggali ay kanyang niyayabangan. Sinisira niya ang estilo ng kanyang mga makakalaban upang siya ang magtagumpay.
                        Nagkaroon ng pagtitipon sa plasa upang makita at makasalamuha si Usain. Pumunta agad si Raul dahil labis niyang iniidolo ang nasabing dayuhan. Nang siya ay makarating sa plasa, agad niyang pinuntahan si Usain upang makita at makausap ito ngunit laking gulat ni Raul nang lumapit siya sa dayuhan ay agad siyang tinabig nito at dahilan ito upang siya ay mahulog sa entablado at sinabihan siya ng “stupid” sa harap ng maraming tao. Labis itong dinamdam ni Raul. Mangiyak – ngiyak siyang umuwi sa kanilang bahay. Labis siyang nasaktan sa sinabi nang kanyang iniidolo, at dahil dito, sinira niya ang lahat ng mga litrato ng kanyang iniidolo, ang kanyang mga tropeo ay kanyang pinagtatapon dahil sa kanyang pakiramdam ay binalewala siya ng kanyang idolo.




Nagmukmok siya sa kanyang kwarto. Nag-aalala na sa kanya ang kanyang mga magulang kaya tinawagan na nila ang kasintahan ni Raul na si Clara. Agad pinuntahan ni Clara si Raul upang kausapin, ginawa ni Clara ang lahat ng kanyang makakaya upang ibalik sa dati ang kanyang kasintahan, sinuyo niya ito at hanggang bumalik sa dati si Raul. Siya’y muling naging determinado sa tulong ng kanyang pinakamamahal.
Isang araw, nakatanggap siya ng balita na magkakaroon ng isang Palarong Pambansa at siya ang ipanlalaban ng kanyang bayan sa nasabing paligsahan. Agad nagsanay si Raul sa tulong ni Coach Chot, ginabayan siya nito upang mas lalo pang gumaling sa nasabing isports at ginabayan din siya ni Clara sa pag-eensayo.
            At dumating na nga ang pinakahihintay ni Raul, ang Palarong Pambansa ay nagsimula na. Agad nanguna sa paligsahan si Raul at makalipas ang limang ikot ay tuluyan niyang iniwan ang lahat ng kanyang mga katunggali patungo sa kampeonato. Tuwang – tuwa si Raul dahil nakamit na niya ang kanyang minimithi. Tuwang-tuwa din ang kanyang mga magulang, si Clara at si Coach Chot. Pagkatapos ng programa ay nilapitan siya ng mayor ng bayan upang sabihin sa kanya na siya ang ipanlalaban sa Olympics na gaganapin sa Japan sa susunod na buwan. Walang nasambit si Raul, tumulo ang kanyang luha sa tuwa. Agad niyang sinabi ito sa kanyang mga magulang, kay Clara at kay Coach Chot. Lubos silang nagalak sa sinabi ni Raul. Kaya pagkatapos magpahinga ni Raul ng ilang araw ay agad itong bumalik sa pag-eensayo. Matinding pag-eensayo na ang pinapagawa ni Coach Chot sa kanya dahil mga malalakas at higit sa lahat mabibilis ang mga makakalaban ni Raul. Ngunit kahit mahirap, lumalakas si Raul dahil todo suporta naman sa kanya ang kasintahan niyang si Clara. Makalipas ang ilang linggong puspusan pag-eensayo ay pumunta sila sa Japan, kasama sa pumunta sa Japan ay sina Clara at Coach Chot. Pagdating nila doon ay nakita niya ang kanyang dating idolo na si Usain. Agad siyang napangiti sa isang tabi at hindi na niya nilapitan pa ito.  

                        At ang Olympics ay magsisimula na, ang mga kalahok ay pumupwesto na. Nakita ni Raul na may iniindang sakit sa kanyang paa si Usain, agad niya itong nilapitan at pinaalis lang siya nito. Bumalik si Raul sa kanyang puwesto at ang lahat ay handa na. Pumutok na ang baril at dali – dali silang nag-unahan. Makalipas ang sampung ikot ay si Raul ang nangunguna at ang pumapangalawa sa kanya ay si Usain. Bakas sa mukha ni Usain ang sakit at hirap sa pagtakbo. Nangangalahati na sila sa finish line, biglang bumagsak si Usain at namilipit ito sa sakit. Nakita ni Raul ang pangyayari kaya dali – dali itong bumalik upang akayin si usain patungo sa finish line. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa kagitingang ginawa ni Raul kay Usain, lubos na nagpasalamat si Usain kay Raul dahil sa ginawa nito sa kanya. At dahil dito naging tanyag ang kagitigang kanyang ipinamalas. Umuwi siya sa kanilang bayan, bigo man siya ngunit dala – dala niya ang kagitigang kanyang ipinamalas sa Olympics. Hindi importante kung ika’y nanalo ang imporatnte ang kagandahang asal na iyong ginawa upang ipagmalaki ng buong sambayanan.


“Purgatoryo ng Kaluluwa”
Ni Micah Duque
Isang munting araw sa kabihasnan ng Purgatoryo. Nabuhay ang isa sa pinaka magaling na tagabaril na nag ngangalang Clarke Haught. Siya ay matuturing na isa sa pinaka biniyayaan ng isang baril na nakakapagpatay ng mga demonyo na ang layunin ay makawala sa Triangulo ng Multo para mapadami pa ang kanilang lahi. Ang pamilya ng mga Haught ay isinumpa ng isang mangkukulam dahil mali ang naging ibigan ng mga magulang nila, dahil sila ay isang tao at demonyo, Ang nanay ng mga Haught ay ang isa sa pinaka matalino na demonyo kaya nung nalaman ng mangkukulam na ito’y umiibig ng isang tao kaagad niya itong isinumpa na ang kanilang mga anak ay iibig ng isang demonyo at kung sila ay magpapakasal ang mga anak nila ay mamatay. Ang sumpa sa mga Haught ay matatapos lamang kung mapatay ng napili ang lahat ng sumugod sa kanilang tirahan. Si Clarke ay mayroong dalawang kapatid si Lexa at si Willa. Nung sila ay bata pa lamang ang kanilang mga magulang ay namatay dahil sila ay sinugod ng mga demonyo para kuhanin ang mahiwagang baril. Ang pinaka malala pa ay pinatay ni Clarke ang kanyang kapatid na si Willa dahil sa kawalan ng tamang kaalaman kung paano gamitin ang mahiwagang baril. Habang naglalakad si Haught sa lupain ng purgatory naalala niya ang kaniyang pinaka layunin ang patayin ang pumatay sa kanilang magulang. Pauwi na si Clarke ng nadaanan niya ang kanyang paboritong tambayan ang Saloon ni Perry na pinagtatrabuhan ng kanyang pinaka-mamahal na kapatid na si Lexa. Umupo siya doon at umorder ng isang baso ng serbesa. “Lexa naalala mo pa ba kung saan mo itinago ang baril na ginamit ng ating tatay?”, Sagot naman ni Lexa “Naku ate itinago mo ata ito doon sa balon sa likod ng bahay ng ating lolo sa takot”. Umalis si Clarke at pinuntahan ang baril, kinuha din niya ang litrato sa kaniyang kwarto at pumunta sa Triangulo ng Multo. : “Ako si Clarke Haught, ako ang anak ni Wyatt Haught at higit sa lahat ako ang tatapos ng sumpa sa aming mga haught, papatayin ko kung sino man ang pumatay sa aming mga magulang.”, at nilapitan niya si Doc Holiday saka siya umalis.  Ang mahiwagang baril ay hindi kayang hawakan ng mga demonyo, ito ay kailangang I-asinta sa gitna ng mga mata ng mga demonyo at sila ay maibabalik sa ilalim ng lupa ang Purgatoryo.  Ang kaniyang naging paglalakbay ay hindi magiging madali kaya siya ay humingi ng tulong sa kanyang kapatid na si Lexa. Si Lexa ay matagal ng nagaaral patungkol sa mga demonyo at kung ano ang kanilang pagkatao. Pinakita ni Clarke ang litrato at sinimulan na niya ang paghahanap sa kanilang pagkakakilanlan. Iniwanan ni Clarke si Lexa upang mabigyan siya ng pagkakataon na makapag pokus. Ang pinaka malala dito namatay daw ang kasintahan ni Clarke dahil sa isang malaking pagkakamali, ang pagtangka nitong umalis sa Triangulo ng Multo. Hindi na nakita ang bangkay nito sapgakat nasunog na daw ito at naging abo pero it ay walang kasiguraduahan. Si Clarke ay hindi tumigil sa paghahanap. Maraming tao ang hindi pumapayag sa kanilang pagiibigan sapagkat ang isang demonyo at ang napili na tumapos sa sumpa ng mga demonyo ang makawala sa Triangulo ng mga multo. Pero hindi sila tumigil hanggang umalis si Clarke at iniwanan siya sa loob ng triangulo at kaya siya umali sa pag tatanka na mapuntahan si Clarke. Umiiyak si Clarke habang naglalakad hindi niya din alam kung saan siya tutungo pero dere-deretso lamang siya. “Hindi ko na siya hahanapin, hindi ko na hahangadin na makita pa siya sapagkat ang lahat ng ito ay kasalanan ko.” Napagisip isip ni Clarke. Tinapon niya at sinunog ang nagiisang litrato nila kasama na din ang panyo na may bulaklak na ibinagay sakanya nung dapat na ikakasal na sila pero pinigilan niya ang sarili niya dahil ang bilin pa naman sakanya ng kaniyang tatay ay “Ako ay nagmahal ng demonyo noon. Ang aking mga anak ay isinumpa”. Umiiyak siya ng sobra ng hindi na niya napigilan ang sarili niya sa pag kuha niya sa kanyang kutsilyo at inilagay niya ito sa kanyang kamay at ito’y unti unti niyang hiniwa. “Ngayon mahal ikaw ay aking kakalimutan sa aking utak at higit sa lahat sa aking puso”. Kinuha ni Clarke ang abo at inilagay ito sa isang bote at isinabit sa kaniyang leeg bilang paalala na siya ay nakakaramdam at buhay pa.
Naglakad si Clarke pabalik sa kanilang munting tahanan upang tignan ang naging progseso ng kaniyang kapatid. “Ate maligayang pag balik sa aking nakuhang mga impormasyon ang mga pumatay sa ating mga magulang ay sila Kellin Queen, Gerard Way, Frank Iero, Kurt Cobain,at si Bobo Del Ray”, sagot ni Lexa sa kaniyang kapatid na napansin niya na nababalot ng kalungkutan at pighati. “O’ aking minamahal na kapatid ano ang gagawin ko ang aking puso ay tila di na tumigil sa pangungulila sa pagmamahal ng aking nawawalang kasintahan” maiyak-iyak na sagot ni Clarke “Ate alam mo naman ang sumpa na ipinatong sa atin ng mangkukulam tayo ay kaniyang itinakda na mamatay, itinakda niya tayo na magmahal ng demonyo upang tayo ay mamatay dahil sa hindi matapos na galit niya sa ating nanay. Ate alam ko naman na gusto mo na matapos ang sumpa kaya ika’y aking tutulungan na tapusin ang sumpa kailangang nating patayin ang mga demonyo na tumapos sa napakagandang buhay ng ating mga magulang”. Sagot ni Lexa ng may pakielam sa kanyang kapatid. “Salamat Lexa” sabay pag lapit ni Clarke kay lexa saka niya ito niyakap ng mahigpit. Kumain na ang dalawang magkapatid ng kanilang hapunan na kinabibilangan ng isang bote ng alak at tig-isang kanin na may manok. “Lexa matulog na tayo ng mahimbing at bukas magsisimula na an gating pag tugis sa mga walang hiyang demonyo” sabi ni Clarke ng may bahid ng galit at pighati sa kanyang boses.
Lumipas na ang gabi at naghanda na si Clarke at ang mahiwagang baril ang una nilang tutugisin ay si Kellin Queen na sinasabi ni Lexa na huling nakita sa kabihasnan ng timog purgatoryo na umiinom ng alak at nakikipaglandian sa mga babaeng bayaran. Pinuntahan ito ng magkapatid hanggang sa nakita na nila ang bahay na maliit at gawa sa kahoy. Unti unti nila itong pinasok at may nakitang mga katawan ng mga batang babae na walang suso at mukha na tila kinain ng demonyo. Siya pala ang isa sa pinaka-magaling na Kriminal sa purgatoryo ang kumain sa lahat ng batang babae na nawawala. Nakita ni Clarke si Kellin na nakahiga katabi ng mga labi ng mga dalaga. Unti unting nilapitan ni Clarke si kellin kasama ang kaniyang mahiwagang baril. Inasinta ni Clarke ang baril sa gitna ng mata ng demonyo “Sabihan mo ang tatay ko na nagsisimula na ang paghihiganti” Unti unting kinain ng lupa si Kellin Queen. “Nakita mo ate di naman mahirap kailangan lang natin silang unahan at sana di pa makarating ang balita na tayo ay nagsisimula na sa pagtugis sa lima dahil…” “Tama ka Lexa, onti nalang maari na tayong ikasal aking mahal at sana’y buhay ka pa at nasa loob ng triangulo ng multo” panalangin ni Clarke.   Ang tanging layunin ni Clarke ay mapaasakanya ang kanyang kasintahan, sila’y ikasal at mag ka anak pero dahil sa sumpa di niya ito makamit.
 Ang pangalawang demonyo na pumatay sa kanilang mga magulang ay si Gerard Way na sinasabi na pinaka madugo sa lahat. Siya ang pumatay sa lolo ng dalawang magkapatid, siya ang nakapatay sa mga nakakatanda na Haught. Si Gerard Way daw ang isa sa mga malapit ng makamit ang kalayaan sa Triangulo ng Multo. Pinuntahan ng dalawang magkapatid ang pangalawang demonyo sa kaniyang bahay sa loob ng kagubatan. Si Gerard ang namumuno sa isang grupo ng mga batang babae na tinatanggal niya ang mga alala upang siya ay pagsilbihan. “Ano bang meron sa mga malilibog na demonyo” patawa at paloko na pagsabi ni Lexa. Nilapitan nila ang bahay at nakita nila at sumalubong sa kanila ang isang maganda at matiwasay na dalaga. Sila’y inalalayan ng babae papunta sa loob ang tanong naman ni Clarke ay “Nasaan si Gerard? Nasaan ang kanyang katawan ako ay nasasabik na patayin siya at ibalik sa pinaggalingan niya ang purgatoryo”. Onti onti siyang bumababa at lahat ng babae na kasama ng grupo ay lumuhod at sumigaw ng “HUI AH SALEM”. “Ate ibig sabihin nun ay Maligayang Pagbabalik”. “Ika’y aking inaasahan Clarke” sabi ni Gerard. Agad agad na itinaas ni Clarke ang mahiwagang baril. Nang hina si Gerard, Pinutok ni Clarke ang Baril. Bago mapunta si Gerard sa Ilalim ng lupa “Oh kung alam mo lang kung sino ang tatapos sa sumpa”. Pagtataka nalang ni Clarke pero hindi na niya ito gaanong inisip. 2 na ang ating naibalik sa kanilang pinanggalingan.
“Lexa saan natin pupuntahan si Frank Iero? Saan ba siya matatagpuan?” patanong ni Clarke sa kanyang kapatid. Nang may narinig sila na sigawan o sigalot sa gilid ng kanto. Sabay naming tinignan ni Lexa ang litrato at saka sinabi na “Ate hayun siya oh ung madaming tattoo”. Kaagad na nilabas ni Clarke ang mahiwagang baril at saka itinapat sa gitna ng mga mata ni Frank at sinabi niya “Onti nalang aking mahal hahanapin kita at saka tayo ikakasal”. “Lexa 2 nalang ako’y labis na masaya” sabi ni Clarke ay saka hinagkan ang kaniyang mahal na kapatid “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka ngayon sa tabi ko” .
Ngayon tugisin na natin si Kurt Cobain. Si Kurt Cobain nasaan ba mahahanap?. Tanong niya sa kaniyang kapatid. Sabi ng aking kaibigan siya daw ay matatagpuan sa hotel na malapit sa Saloon Ni Perry. Saka naman sumakay ang dalawang magkapatid sa kanilang kotse. Nang dumating ang dalawa sa hotel dali dali na silang pumasok sa kwarto na 656 at hinanda na ni Clarke ang kaniyang baril. Nang sipain ni Clarke ang pinto nandoon at nakatayo na siya “Paalam!” sabi ni Clarke. Bumalik na si Kurt sa purgatoryo at sinabi “Ayan nalalapit na ang pagkikita niyo”. Ngayon Si Bobo del Rey nalang. “Mahal nalalapit na, mahal na mahal kita wag mong kakalimutan” pabulong na sinabi ni Clarke.
Si Bobo del rey daw ay matatagpuan sa sementeryo na malapit sa labasan ng triangulo ng multo. Nagpunta muna ang dalawang magkapatid sa Saloon at uminom hangga’t di na nila kaya ang kanilang pag kalasing saka dali dali namang umuwi ang dalawa at natulog sa kanilang bahay sa gitna ng Purgatoryo. Nagpahinga na ang dalawang magkapatid. Kinabukasan pag kagising nila sila ay kumain ng kanilang almusal. Sila ay pumunta sa sementeryo upang tapusin ang sumpa na ipinatong sa kanila. Dumating na sila sa sementeryo at laking gulat nila may bahay sa itaas ng isang balete. Biglang sumakit ang ulo ni Lexa pagdating nila at may naalala siya parang dati doon siya dinadala ng kaniyang kaibigan na nabuo lamang sa kanyang imahinasyon at siya ang kumuha ng mga kagamitan upang gawin ito pero paano kakayanin ng isang bata na gumawa ng isang bahay?. Napaisip isip niya bobo? Diba yun ang pangalan ng aking kaibigan dati ? paano kung hindi lamang siya sa aking imahinasyon. Umakyat ang dalawa. Pagkaakyat nila nandoon ang isang lalaki na matiwasay at tila kamukha ng naging kasintahan ng kaniyang ate na si Clarke. Tinaas ni Clarke ang mahiwagang baril kay Bobo. “Tapusin niyo ang sumpa, aking mahal” nang marinig ni Clarke ang boses naalala niya ang kaniyang matagal na naging kasintahan. Lumapit si Clarke at hinagkan ang kaniyang mahal. “Paulo? Ikaw ba yan sino si bobo?”. Patanong ni Clarke na may pagtataka sa kaniyang boses. “Patayin mo na ako parang awa mo na hindi ko na kaya na nililinlang pa kita oo ako si Paulo ang mahal mo. Ginamit ko lang ang pangalan na iyon dahil hindi ko na kaya na hindi kita mahalin dahil simula noong bata ka pa ikaw ay aking lagging nakikita. Naghanap naako ng mga paraan para ako ay maging isang tao. Oo kasama ako sa mga pumatay sa inyong magulang dahil ginusto ko silang patayin ang hindi ko lang pinplano ay ang mahalin ang isa sa kanilang mga anak at ikaw yoon clarke” bilis bilis na ipinaliwanag ni Bobo. Umiiyak si Clarke at sinabihan si lexa na bumababa muna sa ilalim ng puno at magpalipas ng oras. “Clarke kailangan mo akong patayin hindi ko na kaya ang pighati ng pagpatay ko sa iyong magulang”. Itinapat ni Clarke ang mahiwagang baril sa kaniyang mahal at pinutok ang baril. “Magkakasama na tayo, mahal ko alam ko na matagal na na ikaw ang isa sa pumatay sa aking mga magulang, kaya hinanap ko sila lahat at sabay tayong mamatay at mapupunta sa purgatoryo”. Itinapat ni Clarke ang baril sa kanyang ulo, at saka siya napahiga sa sakit. Bago siya mamatay tinignan niya ang kanyang mahal at hinawakan ang kaniyang mga kamay. 




Mga Komento

Kilalang Mga Post